Abante Tonite Interactive

FHM Model nahubaran sa droga

887

Dinakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang da­ting FHM model nang makum­piskahan ng shabu at ecstasy sa isang buy-bust operation sa Taytay, Rizal, nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni PDEA officer-in-charge Gregorio Pimentel ang suspek na si Charlene ‘Cindy’ Mecayer, 24, nakatira sa No. 2 Lot 15, Blk. 8 Phase 9, Greenwood Executive Village, Brgy. Sta. Ana, Taytay Rizal.

Ayon sa PDEA, matagal nilang isinailalim sa surveillance operation ang model na isa ring event organizer,­ dahil sa umano’y pagpapakalat din ng mga party­ drug. Nang magpositibo ang impormasyon ay agad na nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya dakong alas-singko ng hapon kamakalawa.

Sinabi pa ng PDEA na ang suspek ay nagbebenta umano ng shabu at ecstasy sa pamamagitan ng online selling at ginagamit din umano nito minsan ang Angkas at Grab sa kanyang drug transaction.

Nakumpiska kay Mecayer ang P68,000 halaga ng droga, 3 piraso ng ecstasy tablet na nagkakahalagang P4,500, buy-bust money, 9 piraso ng tooter at iba pang drug paraphernalia.

Itinatanggi naman ng suspek na kanya ang mga nakuhang mga droga at hindi umano siya drug pusher.

Ang nasabing model ay nakapiit ngayon sa PDEA detention cell at inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Dolly Cabreza/Vick Aquino)