Abante Tonite Interactive

Fiance ni Isabelle, ligtas na sa misteryosong sakit

134

ALL set na raw ang kasal ni Isabelle Daza sa fiancé na si Adrien Semblat nga­yong Setyembre 10 sa ­Ita­ly.

Ayon sa isang malapit sa dalawa, magaling na si Adrien mula sa ‘mysterious ailment’ nito na dahilan para ma-confine siya sa dalawang malaking ospital dito sa ‘Pinas at nagpunta pa siya sa France para magkaroon ng third opinion.

Malakas na raw ngayon si Adrien.

Tsika ng isang malapit sa kanila, may nakain na kung ano si Adrien na dahilan ng pagkakasakit nito na hindi natukoy rito sa atin kung ano.

Sa katapusan ng buwan, marami sa mga kaibigan nina Isa­belle at Adrien ang pupunta sa Europe para mamasyal muna at saka tutuloy ng Italy para sa kanilang kasal.

May panahon na mag-honeymoon sina Isabelle at Adrien after ng kasal nila.

Bago umalis pa-Italy, tapos na ni Isabelle ang taping ng afternoon series niya sa ABS-CBN na Tubig at Langis.

***

Maganda kung sa maganda ang pagpe-paint ni Heart Evangelista sa mga mamahaling bags.

May mga lumalapit sa kanya para magpa-pain­ting, pero marami pa rin ang hindi solved sa idea na ‘yon.

May nababaduyan sa idea na ‘yon, pero may iba na nagsasabing cool ang dating ng mamaha­ling bags nila na pina-painting-an nila sa actress/TV host.

***

As expected, aliw ang guesting ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa TrabaHULA segment ng It’s Showtime.

Kuwela talaga na sabay sila, lalo na ‘yung kunwari ay nagdududa si Bisaya dahil kailangang hawakan ni Tito Eddie ang kamay ng mga kasali sa contest na ‘yon.

Dahil nanonood sila palagi ng segment na ‘yon, madaling nahulaan nina Tito Eddie at Bisaya kung sino ang pinahuhulaan sa kanila.

Nanalo ng P20,000 ang mag-asawa, pero naawa sila sa apat na kasali sa contest na ‘yon, kaya lahat ng premyo nila, ipi­namigay na lang nila.

Hindi na naka-on-air nang bigyan nina Tito Eddie at Bisaya ang iba pang kasali sa contest na ‘yon, pero ang sabi ng huli, naawa kasi siya sa mga kasali roon.

Nang mag-commercial break na, pina­migay na niya ang lahat ng mga napanalunan nilang mag-asawa.

“Hayaan mo na, may apat naman ka­ming napasaya ni Eduardo,” sabi ni Bisaya.

Nagpasalamat kay Bisaya ang mga taga-It’s Showtime dahil pumayag sila ni Tito Eddie na mag-guest sa show.

Sabi ni Bisaya, okey lang ‘yon dahil nakapag-promote naman siya ng It Takes Gutz to be a Gutierrez reality TV series nila pati ng libro niya under ABS-CBN Publishing, ang ‘Day, Hard.

Ang maganda kay Bisaya, pag-promote niya ng kanyang libro, prinomote din niya ang libro ni Vice Ganda.