Abante Tonite Interactive

Fiance ni Isabelle, misteryoso ang sakit

166

SA taping niya para sa Magandang Buhay na ipapalabas pa lang ngayong Agosto, naikuwento ni Miss Internatio­nal 1979 Melanie Marquez ang tungkol sa pagiging “miracle baby” ng pa­nganay niyang si Manuelito Lapid.

Noong ipa­nganak niya si Manuelito, nagmuntik-muntikan na itong mawala sa kanya dahil may sakit ang sanggol.

Nagpunta siya sa Bac­laran church at nagdasal nang taimtim.

Nakipag-deal siya sa Maykapal na huwag lang bawiin sa kanya si Manuelito at patatawarin na niya ang mga taong nakagawa sa kanya ng mga kasalanan.

Pero kapag binawi sa kanya ang sanggol ay papatay siya at hindi palalampasin ang mga taong nagkasala sa kanya.

Pagbalik niya ng ospital, tuwang-tuwang ibi­nalita sa kanya ng nurses na okey na ang kanyang anak.

Naiyak sa tuwa si Melanie at tuluyang pinatawad ang mga taong nagkasala sa kanya.
Anak ni Mela­nie si Manuelito kay Lito Lapid.

That time, hindi raw niya alam na may asawa ang noon ay sumisikat na action star, pero nang malaman niya ang katotohanang ‘yon, siya na mismo ang humiwalay kay Lito at sinabihan niya ito na bumalik sa asawa.

“Hindi ko talaga alam that time!” pahayag pa ni Melanie.

Sa ngayon, mukhang masaya na ang married life ni Melanie at ng mister niyang si Atty. Adam Lawyer.

Visible na naman siya sa showbiz dahil kararating pa lang niya mula sa Amerika.

Ang 21-year old daughter ni Melanie kay Derek Dee na si Michelle Dee ay pinasok na ang mundo ng mode­ling.

Sabi ni Me­lanie, pinabawa­san niya ang allowance ni Michelle, kaya napilitan na itong magtrabaho.

Chinese beauty si Michelle dahil Chinese ang tatay niya.

***

May mysterious ailment pala ang fiancé ni Isabelle Daza na si Adrien Semblat.

May isang buwan na raw na panay ang pa-check-up ni Adrien sa dalawang top hospitals sa bansa, pero hindi malaman-laman ang health problem niya.

isabelle-daza-adrien-samblat
  Isabelle Daza at Adrien Samblat

Kamakailan ay lumabas na ng ospital si Adrien.

Kung tama ang tsika ng source namin, umalis na si Adrien pa-France para magpa-check-up doon.

Kuwento pa ng source namin, medyo stressed ngayon si Isabelle dahil kamamatay pa lang ng tatay niyang si Bong Daza at may sakit ang kanyang fiancé.

Medyo abala sa taping ng Tubig at Langis ng ABS-CBN si Isabelle, kaya hindi kami sure kung nasamahan niya sa France si Adrien.

Pero kung ang tungkol sa nalalapit nilang kasal sa Italy (Sa Setyembre 10 na) ang tata­nungin, sinabihan ni Isabelle ang kanyang mga kaibigan na tuloy na tuloy ‘yon.

Wala sa mga kaibigan ni Isabelle ang nagka-cancel ng flight nila pa-Italy at hotel bookings dahil sinigurado ng actress/TV host na hindi nila puwedeng kanselahin ang kanilang kasal.

Plantsado na ang mga detalye tungkol doon.

***

Karamihan sa mga bisita sa kasal nina Isabelle at Adrien ay a-attend din sa kasal ni Cristalle Belo Henares na sa Italy din na gaganapin sa Set­yembre 15.

Pero hindi lahat ng bisita ni Isabelle ay dede­retso sa kasal ni Cristalle.

May iba ring imbitado sa kasal ni Cristalle na hindi imbitado sa kasal ni Isabelle.