Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FIBA 3×3 World Tour, sasambulat sa Doha

0 37

Ang ikasampung edisyon ng FIBA 3×3 World Tour ay magsisimula sa Doha, Qatar sa Marso 26-27, 2021.

Magbabalok ang numero unong kumpetisyon ng FIBA 3×3 professional circuit tatlong buwan lamang matapos na makuha ng Team Riga (LAT) ang kanilang unang titulo.

Ito ang ikalawang sunod na taon isasagawa ang isang yugto ng World Tour sa Doha, sa Al Gharafa Sports Complex, na isang state-of-the-art sa labas ng lugar.

SM food to go Banner Ad

Magsisilbing host ang Qatar Basketball Federation, sa suporta ng Qatar Olympic Committee.

Lahat ng mga hakbang sa kalusugan at kaligtasan na hiniling ng mga lokal at pambansang awtoridad ay sinunod base sa Guidelines for the Return to Basketball, na binuo ng FIBA Medical Advisory Group (MAG) at matagumpay na ipinakilala sa FIBA 3×3 World Tour 2020.

Labing-apat (14) na koponan ang inaasahang makikipagkumpitensya sa pambungad ng World Tour, kasama ang nangungunang 8 koponan sa FIBA 3×3 Team Rankings. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.