Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fiba nilatigo China, 2 pa

0 99

Pinagmulta ng International Basketball Federation (Fiba) nitong Martes ng gabi ang China, South Korea Chinese Taipei dahil sa pag-absent sa 30th Asia Cup 2021 Qualifiers second window nitong November sa Manama, Bahrain.

Nilatigo CHF160K (P8.6M) ang tatlong bansa. Kalahati sa nasabing halaga nakatakdang ipagkakaloob sa ilang pederasyon na mga lalahok sa mga susunod na kompetisyon ng sport.

Kinaltasan din ng puntos ang mga bansang nabanggit na mga natamo nila sa first window sa Jakarta, Indonesia patungo sa tagilid na third window dahil sa Covid-19 na itataguyod ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) sa Subic sa February. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.