Abante Tonite
Mabilis sa Balita

World Chess: Torre pasok sa Hall of Fame

0 267

Napabilang si legend Grandmaster Eugenio ‘Eugene’ Torre sa World Chess Federation o International Chess Federation (Fide) Hall of Fame, unang Asian male na ginawaran ng parangal.

Kasama ng 69-year-old, Ilonggo at kinukunsiderang GOAT Pinoy woodpusher sa mga iniluklok ng Fide Council sa online meeting Lunes sina Polish-Argentine GM Miguel Najdorf at GM Judit Polgar ng Hungary.

Unang ninomina ang 0tatlong alamat ng Fide historical committee nina chairman Willy Iclicki ng Belgium, Andrzej Filipowicz ng Poland, Berik Balgabaev ng Kazakhstan at Casto ‘Toti’ Abundo ng Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

“It’s a great honor to be included in the revered list of names who I hold in high esteem. This I share with my countrymen,” reaksiyon ni Torre, ang unang Asian chess GM, silver at bronze medals winner ng Chess Olympiad at record holder ng most Olympiad stint na 25, kabilang ang 23 bilang player sapul noong 1970.

Inulan rin agad siya ng mga pagbati sa social media ng kanyang mga tagahanga, kaibigan at opisyal ng nasabing sport sa bansa.

“Congrats Sir Eugene for your nomination to the World chess Hall of Fame! More power to you,” wika ni national coach GM Jayson Gonzales. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.