Abante Tonite Interactive

Fields papalitan si Deguara sa Alab

388

Bukod sa inaasahang pagdating ni Ginebra import Justin Brownlee para sa San Miguel Alab Pilipinas, naghahanap na naman ng isa pang pamalit bala ang koponan, ipapasok si dating Philippine Basketball Association (PBA) import John Fields.

Palalayasin naman si 7-foot-5 Maltese slotman Sam Deguara ng Alab para mas mapalakas ang kanyang sa 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-2020 eliminations.

Nakapaglaro na rin sa ABL si Fields para sa Singapore Slingers at nakapagkamada ng average na 21.6 point, 12.4 rebound, 1.6 assist, 1.6 block, 1.2 steal sa nakaraang taon.

Ang mata-tanggal namang na si Deguara ay 14.5 marker, 10.1 board at 1.0 block sa 14 game para sa PH ball club na mamandohan ni coach Jimmy Alapag.
Kasalukuyang hawak ng Alab ang 10-6 win-loss record sa likod ng league-leading 10-4 Mono Vampire Thailand.

Minsang nagsuot na ng mga jersey sa PBA si Fields sa Columbian Dyip at noong 2017-18 at sa Magnolia nitong 2018-19 sa Commisioner Cup. (Aivan ­Episcope)