Abante Tonite Interactive

Fields pinaghandaan ni Compton, Alaska

352

Ga-buhok na kinapos ang Magnolia Pambansang Manok sa nakaraang PBA Philippine Cup, desididong bumawi.

Pero matatapat agad ang Hotshots sa matinding pagsubok sa unang salang sa Commissioner’s Cup.

Haharapin ng Magnolia sa first game sa Smart Araneta Coliseum mamaya ang Alaska (2-2) na nakapag-recharge tapos ng 100-87 win kontra NLEX pitong araw na ang nakakaraan.

“We know it will be a tough game and we have great respect for the entire Magnolia team,” ani Aces coach Alex Compton. “They are always ready, always play hard and have had a lot of deserved success in the past year-and-a-half.”

High-octane Hotshots ang inaasahan ni Compton na makakatapat.

Ibinalik ng Hotshots si John Bailey Fields III para sa kampanya sa import-laden conference.

Huling naglaro ang Magnolia noon pang May 15 nang isuko ang 72-71 loss sa San Miguel Beer sa Game 7 ng Philippine Cup Finals.

“Hopefully, ‘yung two-week preparation namin for this conference is enough na for this game,” ani coach Chito Victolero sa bisperas ng Alaska game.

Nakikita ni Victolero na magiging problema ng team ang timing, at chemistry sa import na dating naglaro sa Columbian Dyip sa parehong torneo noong nakaraang taon. (Vladi E­duarte)