Abante Tonite Interactive

Fil-Am, aktres grabe magsundutan

By
1,005

Kakaiba ang hilig ng Fil-Am na dating miyembro ng isang popular na koponan pati na rin ang nakarelasyon nito na isang magandang sexy actress.

Lagi silang sweet na makikita noon kapag magkasama tuwing may laban ang koponan ni Fil-Am subalit mas grabe pa pala talaga sila kapag silang dalawa na lamang ang pribadong magkasama dahil sa kanilang kakaibang hilig.

Hindi lamang natatapos sa kanilang matinding yakapan pagdating nila sa lugar na paggaganapan mismo ng laro bago magsimula at pagkatapos ng laro ang pareha kundi hanggang sa makaalis na ang lahat ng mga kakampi ni Fil-Am at wala nang naiwan sa dug-out.

Madalas na napag-iiwanan ang dalawa pagkatapos ng laro dahil sa hilig mismo ng pareha na magsundutan.
Isang beses na bumalik ang isang ballboy dahil may naiwanan na susi ay hindi sinasadya na nakita nito ang dalawa na mainit na mainit na tagpo habang may sinusundot si Fil-Am player.

Hindi agad nakapasok si ballboy dahil makakagawa siya ng ingay kaya ginawa nito na lumabas muna at kumatok.

Maayos na ang damit ni sexy actress habang nakataas na ang suot na short ni Fil-Am pagpasok ni ballboy. Pero nagtataka ang huli na pawisan at medyo hinihingal ang dalawa.