Abante Tonite Interactive

Fil-Am baller sinusuka ng team!

393

Daig pa ni player ang may sakit na 2019 novel coronavirus o ang kinatatakutanding ketong sa tinatanggap nitong pagtrato ng kanyang mga kakampi.

Hindi lamang problema ng coaching staff kundi pati mismo ng pamunuan ng koponan ang pagha­hanap ng paraan upang mapalapit si player sa kapwa nito miyembro sa napuntahanng koponan.

Ito ay matapos maganap ang sitwasyon na walang gustong makasama o maging roommate ang player sa pagtungo ng koponan sa isang out-of-town para sa isang team building at pocket tournament.

Hindi rin kinakausap ng mga kapwa nito player at kakampi sa koponan si bagong saltang player.

Nabatid sa mga manlalaro na masyadong mataas ang pagtingin sa sarili ni player at ipinapalagay nito na siya na ang pinakamagaling sa koponan. Malaki na ang ulo na hindi naman katulad noon.

Kaya naman hindi malaman ng kawawang pamunuan ng koponan kung ang player mismo ang may problema o ang buong miyembro ng team pati na ang coaching staff. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad