Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fil-Am coach sa NCAA Division 1

0 247

PINALITAN ng Fil-American na si Mike Magpayo ang lumipat na dating chief tactician na si David Patrick bilang head coach ng University of California Riverside upang maging unang Pilipinong naging head coach sa isang koponan sa prestihiyosong collegiate league na NCAA.

“I am honored, humbled, and absolutely thrilled for the opportunity to lead our University of California Riverside men’s basketball program into the future,” sabi ni Magpayo.

Gigiyahan ni Magpayo ang UCR Highlanders bilang unang coach na may dugong Filipino at lahing Asyano matapos itong pormal na iupo bilang head coach sa NCAA Division 1 team.

Itinalaga si Magpayo matapos na lumipat si Patrick tungo sa University of Arkansas bilang associate head coach. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.