Abante Tonite Interactive

Fil-Am movie bumida sa IFS festival

239

Kahit saang larangan ay matatagpuan ang husay ng mga Pilipino, muling nagpahanga sa international level ang talento ng mga Pilipino dahil kinilala ang Fil-Am movie na ‘The Year I Did Nothing’ bilang Best Drama sa 2019 Independent Filmmakers Showcase (IFS) Film Festival.

Ang Fil-Am na direktor na nasa likod ng tagumpay na iyon ay si Ana Barredo. 1985 ang set ng pelikulang ‘The Year I Did No­thing’ sa Maynila na tungkol sa tatlong magkakapatid na ginugol ang oras sa paghihintay sa mahabang summer upang makalipat sa Amerika, habang ang bansa nila ay naghahandang patalsikin ang mahigpit na presidente na si Ferdinand Marcos.

Maliban sa ilan sa mga lugar sa Maynila na pinagkuhanan ng mga shot sa kanyang pelikula, may ilang bahagi rin doon na kinuhanan naman sa Los Angeles. Makikita naman sa movie poster na ang eksena roon ay naganap sa Eco Park.

“We even rented a jeepney (one of 10 in existence in the entire USA) to add authenti­city to the movie,” sinabi ni Barredo sa isang panayam.

“In 2003, I wrote The Year I Did Nothing with the intention of shooting it on location in the Philippines. Unfortunately, weeks before the start of production, our funding fell through and we never made the movie. In 2018, I revisited my script and realized that its theme feels more relevant now than ever before, in light of what’s going on in the world. Given my personal connection with the story, I became more determined than ever, to shoot my 15-year old script,” dag­dag pa ni Barredo kaugnay naman sa kanyang journey sa pagbuo sa naturang proyekto. (Athena Yap)