Abante Tonite Interactive

Fil-Am movie ‘Yellow Rose’ pasok sa Grand Jury award

284

Isang pelikula tungkol sa Filipino-American immigrants ang nakakuha ng grand slam sa tatlong pangunahing film festivals. Ito ay ang “Yellow Rose” na nakakuha ng Grand Jury Prize.

Tatlong film fest ang nagbigay ng parangal sa pelikula kabilang dito ang 35th Los A­ngeles Asian Pacifi­c Film Festival noong May 10; B­entonville Film Festival May 11; at CAAMFest 37 noong May 12.

Ang Yellow Rose ay isinulat at sa direksyon ni Filipino-American Diane Paragas, at binuo ng ABS-CBN’s Cinematografo.

“It’s amazing. Just being in the festival on opening night was enough, but then to win the Grand Jury Prize is just everything,” ayon kay Paragas.

Nakapagbenta sila ng thousand-seat theater at nagkaroon ng y­ellow carpet mula sa ABS-CBN management na sina Olivia De J­esus at Star Cinema Malou Santos na dumating mula sa Pilipinas para suportahan ang pelikulang Yellow Rose.

Ang Yellow Rose ay tungkol sa isang Pinay na dalaga na lumak­i at nanirahan sa Texas at ipinaglaban ang kanyang pangarap sa pagkanta habang pinapasok ng sunud-sunod na problema tulad ng bantang deportation.

Pinagbibidahan ang pelikula nina Tony Award nominee Eva N­oblezada, Tony winner and Grammy nominee Lea Salonga, country music star Dale Watson, Liam Booth, Gustavo Gomez mula sa “The Walking Dead”, Libby Villari mula sa “Boyhood” at Princess Punzala­n. (Vick Aquino)