Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fil-Am rarampa sa Gilas Women

0 64

Isang may ibubugang Filipina-American ang nakatakdang maging reinforcement sa ilang mga kompetisyon para Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas Women sa mga hinaharap.

Siya ay si Vanessa de Jesus, 18, incoming freshman sa pre-med course at miyembro ng women’s basketball team Duke University Blue Devil, isang kilabot sa United Sates National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school.

Ipinangak at lumaki sa California, dating Pinoy at Pinay ang mga magulang bago nanirahan sa USA, siya’y 2019 All-CIF Southern Section Co-Player of the Year, All-CIF Open Division 1st team member Gold Coast League Most Valuable Player.

Pero dahil hindi kumuha ng PH passpost bago nag-16-anyos, maari lang laruan ng dalaga ang International Basketball Federation (FIBA) 3×3 tournaments at ilan pang regional event na may sariling rules gaya ng Asian Games, Southeast Asian Games, Jones Cup, at Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Championship.

Hindi na siya puwede sa mga torneong may basbas ng FIBA gaya ng Summer Olympic Games, World Cup, Asian Championship at iba pa.

Ipinahayag kahapon ni Gilas Women’s coach Patrick Henry Aquino na ang makukuhang pasaporte na lang ni De Jesus ay ang para sa dual citizenship kung saan naturalized player ang magiging role niya sa Inay quintet. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.