Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fil-Am singer Zeyonce feel maka-collab si Sarah G

0 148

NI: ROLDAN CASTRO

SA edad na 19, marami na ring pinagdaanan ang Fil-Am recording artist na si Zeyonce ‘Z’ Brown na kasalukuyang naka-based sa Bay Area, Los Angeles, California.

Six years old pa lang ay kumakanta na si Zeyonce at sumasali sa iba’t ibang singing competitions.

Namana niya ang husay sa pagkanta mula sa parents niya na sina Linda at Alex Brown.

Nag-voice lesson siya sa PnC Music Company at naging coaches sina Pam Serrano at Miriam Pantig.

Nanalo na si Zeyonce sa iba-ibang singing contests sa Tate tulad ng L.A. Voice Singing Contest na nag-7th place siya; Sing Pilipinas San Francisco-3rd place; Bay Area Got Talent San Fo-2nd place at naging Grand Champion-Teens Create Dreams sa Sacramento, CA.

Kahit nasa Amerika, updated si Zeyonce sa local music scene lalo pa’t naging front act na rin siya sa mga concert sa Tate nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Arnel Pineda, Maja Salvador at iba pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wish din ni Z na maka-collab si Sarah sa isang show dahil alam daw niya ang mga kanta nito.

Bukod sa pangarap na maging sikat na singer dito sa Pinas at sa US, nais din ni Zeyonce na maging fashion model.

Nakapag-guest na rin ang dalaga sa ilang online-radio stations gaya ng Wish USA Music; So Jannelle @ TFC (The Filipino Channel ng ABS-CBN); Net25 Letters and Music, Wave 89.1 at Viva Records Live concert online.

Dapat ay narito si Z sa bansa last February 2020 para i-promote ang single niya na may pamagat na ‘Labo Mo’ under Viva Records at available na sa lahat ng digital music stores at platforms, Spotify, Apple Music, Youtube Channel at Amazon, pero dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy.

Gayunman, kung magiging maayos na ang sitwasyon ngayong taon ay babalik daw sa bansa si Zeyonce para makapag-record pa ng ilang kanta sa Viva Records at mai-promote ito.

May kapatid din sa bansa si Z na radio host sa Myx Global, program director ng Wave 89.1, at singer-model na si DJ DannieBoi.

Sa ngayon ay nagtatrabaho rin si Zeyonce bilang essential worker sa Eugene’s Ville Carehome Facility sa Santa Clara, CA kasama ang kanyang Mommy Linda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.