Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fil-Am student dedo sa boksing

0 97

Namatay ang 20-anyos na Filipino-American sa Las Vegas matapos niyang sumali sa amateur boxing event kahit walang sapat na training.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Nathan Valencia, mag-aaral ng University of Nevada, Las Vegas.

Sumali si Valencia sa isang charity boxing event na inorganisa umano ng mga fraternity group ng pinapasukan niyang unibersidad.

Halos hindi na makatayo at nanginginig diumano si Valencia habang inaanunsiyo ang mga nanalo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-collapse ang estudyante matapos ang laban. Naitakbo pa siya sa ospital ngunit dineklarang patay na.

Ayon sa ina ng biktima, pinipigilan niya ang anak na sumali sa naturang event ngunit mapilit umano dahil para ito sa kawanggawa.

Iniimbestigahan na ang insidente dahil wala umanong nakaantabay na medical team sa boxing event at wala ring professional referee. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.