Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fil-Norwegian hahasain ng Ginebra

0 424

Wala sa radar ang unang dalawang bunot ng Barangay Ginebra San Miguel sa PBA Season 46 virtual Draft sa TV5 Media Center nitong Linggo.

Ginamit ng Gin Kings ang 12th pick sa first round para kunin si 6-foot-8 center Ken Holmqvist. Isinunod nila sa No. 1 selection ng second round (13th overall) si Brian Enriquez.

Nakapaglaro sa FEU ang Fil-Norwegian na si Holmqvist, dagdag na size ng Ginebra sa gitna panghalili sa bagong dating na si Christian Standhardinger. Disente rin ang perimeter shooting ng 25-year-old big.

Gusto niyang hasain pa ang laro ngayong napunta sa crowd darlings.

“I’m gonna work on my game everyday,” aniya.

Hindi kilala ang Fil-Am na si 6-foot-3 guard Enriquez, pinakamainam na credential ay produkto ng US NCAA Division II school William Woods University sa Missouri.

Excited aniya siya na ang pinaka-popular na team sa liga pa ang kumuha sa kanya.

“I wanna thank coach Tim Cone and the Ginebra family for taking a chance on me. I’m just really grateful and blessed,” ani Enriquez, 25. “I’m just really looking forward to learning the culture of basketball here.”

Sa April 11 balak magbukas ng pro league. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.