Abante Tonite Interactive

Filing ng COC umpisa na ngayong araw

TODO-BALITA NI IDOL

By
252

Oktubre 11, unang araw ng pagpasa ng mga Certificate of Candidacies (COC) para sa lahat ng mga nagnanais na kumandidato sa susunod na Mid-term Election sa Mayo 2019. Maaari na magpasa ng kani-kanilang mga COC ang mga tatakbo sa Senado, party-lists at mga lokal na opis­yales mula konsehal, vice mayor, mayor, board members, vice go­vernor, governor and congressmen.

Ang filing ng COC ay maaaring gawin sa mga sumusunod na petsa: Oktubre 11, 12, 15, 16 at 17. Ang substition ng mga kandidato ay maaaring gawin mula Nobyembre 30, 2018 hanggang Mayo 11, 2019.

Mag-uumpisa naman ang Election Period mula Enero 13 hanggang Hunyo 12 sa susunod na taon. Ibig sabihin, lahat ng mga aktibidad, proyekto, programa ng mga pamahalaan na maaa­ring gamitin sa kampanya ay ipinagbabawal.

Pebrero 12, 2019 naman magsisimulang mangampanya ang mga tatakbo sa pagka-Senador at ang mga lalahok sa party-lists. Tatagal ito hanggang Mayo 11, 2019. Ang mga lokal na kandidato naman ay magsisimulang mangampanya mula Marso 30 hanggang Mayo 11, 2019.

Pinapaalalahanan ang lahat na ang araw ng ating eleksyon ay Mayo 13, 2019.

Papasok na naman tayo sa panahon ng ating bansa na kung saan ay dapat tayong maging mapanuri, mapagmatyag at mapagkilatis. Tandaan nating nasa ating mga kamay ang pagpili ng mga lider sa ating bansa. Mayroon tayong halos walong buwan para kilalanin at pag-aralang mabuti ang lahat ng mga kandidato.

Ang minimithi nating panlipunang pagbabago ay maaari nating makamtam kung gagamitin natin ang ating karapatang maghalal ng mga nararapat dahil WALANG IMPOSIBLE SA MGA NAGKAKAISANG PILIPINO! Pinoy, ikaw ang IDOL ko!