Abante Tonite Interactive

Filing ng ITR walang extension – BIR

By
0 1,035

Hindi na magbibigay ng ekstensiyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa paghahain ng Income Tax Return (ITR) ng mga taxpayer sa deadline ngayong araw.

Ayon kay Reymarie de la Cruz, chief ng BIR public Information office, papatawan na ng penalty ang mga taxpayer na hindi aabot sa deadline.

Pinaalalahanan ni Dela Cruz ang mga taxpayer na huwag nang hintayin pa ang deadline bago magbayad ng buwis.

“Hindi na ho kami tatanggap after 5:00 p.m. ng April 16. Anything that is filed or paid at 5:01 p.m. of April 16, may kaukulang penalty na po ‘yan,” ayon kay Dela Cruz.
“Kung nasa premi­ses na kayo ng BIR at exactly 5:00 p.m., tatanggapin pa namin ‘yan pero kung wala sa aming premises at 5:00 p.m., isasara na namin yung compound namin,” dagdag pa ni Dela Cruz.

Sa ilalim ng batas ang paghahain ng ITR ay hanggang Abril 15 pero dahil nataon itong Linggo kaya ginawang Abril 16.

Pinaalalahanan rin ni Dela Cruz ang mga taxpayer na pasadahan muli ang isinusulat nilang impormasyon para maiwasan ang “misdeclaration” at posibleng tax evasion charges.

Maari din naman mag-file ng ITR online dahil naglagay ang BIR ng 20 filing center kada region.