Abante Tonite Interactive

Filipino 26 paring may asawa, anak tiniwalag ng Simbahang Katolika

302

Tiniwalag sa Simbahang Katolika ang 26 na pari mula sa mga lungsod ng Panabo at Tagum, Davao del Norte province dahil sa pagkakaroon ng asawa at mga anak.

Pormal na nagpalabas ng Canonical Circular No. 6 si Bishop Medil Saya Aseo ng Diocese of Tagum at dito inisa-isa ang pangalan ng mga pari na hindi na pinayagang magsagawa ng mga sacrament, sacramantel duty at tuluyan na ring tinanggal sa Diocese of Tagum.

“They are under pain of ‘latae sententiae ex-communicatuon due to Heresy, Apostasy and Schism therefore no longer in Communion with the Diocese of Tagum therefore have no faculty to administer with, Sacraments and Sacramentals in accordance with the Code of Canon Law,” sabi pa sa pinakalat na circular na pirmado ni Bishop Aseo.

KInilala ang 8 sa mga ex-communicated priest na sina Father Marlon Avenido, Gerry Cosal, Jovito Niniel, Marino Angostura, Daniel Ranalan, Feliz Abangin, Artemio Lebria Jr., at Jojie Vingno.

Ang mga nasabing pari ay hindi na maaaring magsagawa ng pitong sakramento ng binyag, kumpil, eucharist, penance, anointing of the sik, holy orders at matrimonya ng kasal, gayundin ang mga sacramental na kagaya ng ‘blessings’, ‘actions objects of devotion’.

Ayon kay Bishop Aseo, paglabag sa vow of celibacy ang pagkakaroon ng asawa ng mga pari gayundin sa may mga anak subalit walang asawa.

Ang canonical circular na nilagdaan din ni Diocesan Chancellor Rev. Fr. Robert A. Legaspi ay ipinalakat sa lahat ng parist priest, administrator at chaplain, school principal/administratror ng mga catholic school ng lalawigan. (Ben Serrano)