Abante Tonite Interactive

‘Filipino idiots, damn! F*ck you officer!’ Pulis, mga Pinoy minura ng Briton

1,041

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang British national na nanlait at nagmura sa mga Pilipino kahapon nang madaling-araw sa Malate, Maynila.

Isinailalim sa inquest proceeding sa Manila Prosecutor’s Office kahapon nang hapon ang suspek na si Garry Gallagher, nanunuluyan sa City State Tower Hotel na matatagpuan sa panulukan ng Mabini at P. Faura St., Ermita, Maynila kaugnay sa paglabag sa Revised Ordinance 819 (Half Naked) ng City Ordinance of Manila; Article 155 (Alarms and Scandals); Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority); at Article 287 (Unjust Vexation) ng Revised Penal Code.

Ayon sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) chief, P/Lt. Francisco S. Cruz, alas-3:45 ng madaling-araw nang mapansin ng mga nagpapatrulyang tauhan ng MPD-Station 5 ang nagsisisigaw na suspek.

Nabatid na nag-eeskandalo at nakahubad ng pang-itaas ang suspek kaya nilapitan ito upang arestuhin habang sumisigaw umano ng ‘Filipino idiots!..Filipinos are damn!’

Nang arestuhin ay binastos pa umano at pinagmumura ang mga pulis sa pagsasabing ‘F*ck you officer!…You are a fool’.

Sanhi nito agad na binasahan ng kanyang constitutional rights at pinosasan ang suspek bago itinurn-over sa MPD-GAIS.

(Juliet de Loza-Cudia)