Abante Tonite Interactive

Filipino P460K shabu nasabat, tulak patay sa buy-bust

393

TODAS ang isang notor­yus na tulak ng iligal na droga matapos umanong manlaban sa ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya kahapon nang madaling-araw sa bayan ng Lumban, Laguna.

Nakakuha din ng tinatayang aabot sa P460,000 halaga ng shabu sa nasawing suspek na nakilalang si Jeffrey Broosas, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Oogong, Sta. Cruz, Laguna.

Ayon kay P/Col. Eleazar Matta, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office (PPO), dakong ala-1:45 nang madaling-araw nang gawin ang operasyon laban sa suspek sa kahabaan ng Brgy. Lewin sa bayan ng Lumban.

Isang police poseur buyer ang kumuha ng shabu sa suspek suba­lit nakatunog ito na operatiba ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang pulis na kumukuha sa kanya ng droga subalit suwerteng nakailag ito.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis dahilan upang bumulagta ang suspek.
Nakuha sa pag-iingat nito ang isang kalibre .45 baril at mga bala gayun­din ang 14 na sachet ng pinaniniwalaang shabu na aabot sa 75 gramo.

Lumalabas sa ulat na ang nasabing suspek ay kilabot na tulak ng iligal na droga na nag-o-ope­rate sa bayan ng Lumban, Sta. Cruz, Liliw at Pila, Laguna at nauna na itong naaresto sa pagtutuak ng iligal na droga at nakulong nang limang taon. (Edwin Balasa/Ro­nilo Dagos)
=========