Abante Tonite Interactive

FilOil tournament dapat seryosohin

199

Ray Mark Patriarca

Nitong nagdaang mga araw, inanunsyo ng University of the Phi­lippines na ’di na nila itutuloy ang kanilang mga laro sa FilOil Flying V Preseason Cup.

Ang dahilan, nakakuha ang bataan snidad na mag-training sa abroad.

Abante Hiring – IT dep

Kung tutuusin, mas maganda naman talaga ang training regimen sa ibang bansa ngunit sa ganang akin, ‘di dapat maging second option ang Flying V Cup.

Minsan lang magkrus ang landas ng UAAP at NCAA, isa na rito sa nasabing preseason tournament.

Isa sa pinaglalabanan ng mga collegiate school ay ang bragging rights, masabing angat ang kanilang tropa sa iba.

At kung titingnan, matagal nang pinagtatalunan kung anong collegiate tournament ang mas malupit, NCAA ba o UAAP.

Dapat ay ginagawang malaking event ito, mano a mano sa dalawang bigating liga na paniguradong hahatak ng mga fan.
***
Sa FIBA naman, naging isyu ang hindi pagsama sa national pool ni Remy Martin sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China sa parating na August 31-September 15.

Dalawang side ang titingnan dito, totoong bata pa si Martin, ‘di pa sigurado kung magiging positibo ang pagkasama sa lineup.

Ngunit posible rin itong mag-backfire para sa national team, inamin ng Arizona standout na nasaktan siya nang maisnab ng Gilas at may tsansang mawala ang interes niya sa pagrepresenta ng Gilas.

Malalaman natin sa mga susunod na taon kung ano ang kakahinatnan ni Remy sa national team.