Abante Tonite Interactive

Final 12 ni Yeng Guiao nakasalalay kay Slaughter

By
1,218

Nakadepende ang final 12 ni coach Yeng Guiao sa lagay ni Greg Slaughter.

Sa huling laro noong Setyembre 5 bago nag-break ang PBA Governors’ Cup, napasama ang bagsak ng Ginebra big man sa fourth quarter ng 104-98 win ng Gins kontra NortPort.

Nagkaroon ng left ankle sprain ang 7-foot center, naka-braces na pumupunta sa practice ng Team Pilipinas.

Isinama ni Guiao sa Tehran ang buong 16-man pool ng national team, tatapyasin sa final 12 bago ang pakikihamok sa Iran sa Setyembre 13 sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Balak ng coach na isalang sa ensayo ang Natio­nals pagdating ng Tehran, dito niya kikilatisin kung kakayaning maglaro ni Slaughter.

“We are waiting for him to practice kaya hindi pa kami nagdedesisyon (ng final 12),” ani Guiao pagkatapos ng huling ensayo, Lunes nang umaga sa Meralco gym.

Kontra Iran ay hindi makakalaro sina Japeth Aguilar at Matthew Wright na sinuspende ng tig-isang laro ng FIBA.

Si Christian Standhardinger na rin ang gagamiting naturalized player kontra Iranians, bago si Stanley Pringle sa Setyembre 17 kapag ini-host ng Pilipinas ang Qatar sa closed-door game sa Smart Araneta Coliseum.