Abante Tonite Interactive

‘Final Buzzer’ ibibigay kay dating PBA chairman Marquez

By
325

Plano ng PBA na bigyan ng tribute si Rey Marquez, pang-apat na Commissioner ng liga na namayapa na noong Linggo.

Isa sa mga unang haligi ng Asia’s first professional league, si Marquez ang unang chairman ng PBA. Patunay sa kanyang propesyunalismo ay nahalal sa posisyon nang apat na beses mula 1987 hanggang 1990. Pinalitan ng chairman ang dating puwesto ng PBA president.

Naging Commissio­ner si Marquez noong 1990 at tumagal hanggang 1992. Pinalitan niya si Rudy Salud. Nauna sa kanila sina Leo Prieto at Mariano Yenko.

“We’re offering him the ‘Final Buzzer,’” anang kasalukuyang commissioner na si Willie Marcial.

Plano ng PBA na ibigay ang tribute sa Dec. 5, sa harap ng pamilya at mga dating kasama ni Marquez.

“He was a decent and proper person. He had a high sense of propriety and conducted himself like a true gentleman/sportsman,” wika ni da­ting commissioner Sonny Barrios. “He recognized the need to have and independent Office of the Commissioner for the PBA to continue its success.”