Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Finance officer ng NPA timbog

0 120

Isang hinihinalang finance officer ng New Peoples Army (NPA) ang nadakip ng 58th Infantry Dimalulupig Battalion ng Philippine Army sa Misamis Oriental.

Sa tulong ng Philippine National Police sa Tagoloan ay naaresto si Jenalyn Arcillas Ganzan alias Macky, taga Ganzan sa Zone 4, Poblacion, Tagoloan, Misamis Oriental.

Si Ganzan ay sinasabing finance officer ng HQ Nelsay, Sub-Regional Committee 1 (SRC1), Northern Central Mindanao Region Command (NCMRC).

Nahaharap ito sa mga kasong kriminal kaugnay sa panununog, kidnapping at Serious Illegal Detention.

Sa pamamagitan ng search and seizure warrant ni Hon. Judge Fernando R Fudalan, Jr. ng RTC, Branch 7, Bayugan City, Agusan del Sur ay nadakma ang suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.