Abante Tonite Interactive

FINISHING KICK HANAP NG GINS

116

Laro mamaya (MOA Arena)
7:00 p.m. – Star vs. Ginebra (Hotshots lead series 2-0)

Desidido ang Star na patuloy na bakbakan ang Ginebra para hindi masayang ang naipundar na 2-0 lead sa PBA Philippine Cup semifinals Game 3 mamaya sa Mall of Asia Arena.

Inari ng Hotshots ang Games 1 (78-74) at 2 (91-89) ng best-of-seven series.

Alerto ang Star sa resbak Gin Kings bukod sa mataas ang respeto ni coach Chito Victolero kay two-time grand slam coach Tim Cone.

“We know Ginebra will come back but we have to be ready for that,” anang Hotshots mentor.

“Ang respect natin para sa kanya (coach Tim) ay napakataas. You cannot outcoach coach Tim.”

Pero nadalawahan man agad ng team na binigyan niya ng limang korona dati bago siya nalipat sa most popular ballclub, may nasisilip si Cone na maka-execute lang sila hanggang sa last plays naroon ang tsansa nila. Kailangan nila ng matinding finishing kick

“Bottom line is that Star has beaten us down the stretch,” giit ng Gin Kings mentor. “In both games, they executed and got rebounds. We didn’t.”

Mamaya ay susubukang tapikin ni Cone ang injured big man niyang si Joe Devance na nagka-injury sa kaliwang paa sa Game 1 ng quarterfinals nila ng Alaska noong Feb. 5.

“There’s a chance that Joe may finally play,” lahad ni Cone sa Fil-Am forward na nag-average ng 12.3 points, 6.1 rebounds at 3.6 assists bago nagka-injury. “His presence could help us.”