Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Firetruck bumaligtad, 2 bumbero nadale

0 89

Sugatan ang dalawang bumbero nang bumaligtad ang sinasakayan nilang fire truck na reresponde sana sa sunog sa Brgy. Ibabang Bukal, Tayabas City, Biyernes ng hapon.

Isa sa mga nasugatan ay ang driver ng firetruck na si FO3 Melvin Buncayo Abordo, 46, miyembro ng Bureau of Fire Protection-Tayabas City. Sugatan din ang isa pang hindi tinukoy na kasama nito.

Batay sa report ng Tayabas police, patungong bayan ng Sariaya ang mga bumbero at reresponde sa nagaganap na sunog sa Brgy. Calumpang, Tayabas City nang mawalan ng kontrol ang nagmamaneho sa bilis ng kanilang takbo.

Sinikap ng driver na walang madamay na ibang sasakyan kaya nagpagewang-gewang ito hanggang sa tumihaya sa outer lane ng highway.

Kaagad isinugod ng mga tauhan ng CDRRMO ng Tayabas City ang dalawa na ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan sa Lucena Doctors Hospital (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.