Abante Tonite Interactive

First lady to the rescue: Vico , Gretchen romansa muling binuhay

1,431

NI: Archie Liao

Napabalita noon ang pagmamabutihan nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Kapamilya broadcaster Gretchen Ho nang spotted silang nanonood ng volleyball sa SEA games noong Disyembre ng nakaraang taon.

Katunayan,maraming netizen ang nagsabing bagay sila dahil pareho silang ismarte at matalino.

Bagamat idinenay ng mga magulang ni Vico na may namumuo nang relasyon sa dalawa, hindi pa rin nawawala ang espekulasyon na posibleng ma-fall sila sa isa’t-isa.

Muling nabuhay ang romansa nila nang ipagtanggol ni Gretchen si Vico sa ginawang pag-summon ng NBI sa man of the hour.Ito’y dahil umano sa paglabag sa mga alituntunin ng Bayanihan to Heal as One Act nang payagan nito ang pagbiyahe ng mga tricycle drivers noong unang linggo ng community quarantine.

Umani ng pagkondena sa NBI at sa gobyerno ang post niyang “Wrong move. It’s really #April Fools’ Day! ”

Nagpahayag ng suporta ang netizens sa good governance na ginagawa ni Vico.

Naging tampulan naman ng panunukso si Gretchen kay Vico.

Sey ni @ manoelster:”Kinilig ako. Kayo na po ba ni Mayor?”

Segunda naman ni @jhoanie-21:”Mayora, your man knows what he’s doing. Let’s support him! ”

Hirit naman ni @markcruzALT: “The first lady to the rescue “.

Tonite – Wendys Inhouse Ad