Abante Tonite Interactive

First lady wanted kay Daniel

591

Mahirap para sa bagong Bulacan Governor Daniel Fernando na balansehin ang kanyang oras at trabaho bilang artista at public servant.

Katunayan, dahil tutok siya sa kanyang pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanyang lalawigan, single pa rin ang actor turned politician.

Dahil dito, hinahanapan na siya ng first lady na magiging katuwang sa buhay ng kanyang mga constituents. Sey pa niya, matagal na raw siyang kasal sa kanyang trabaho dahil ito ay kanyang priorit­y.

Gayunpaman, malapit na rin daw siyang lumagay sa tahimik bagama’t hindi siya nagmamadali.

Never daw niyang iiwan ang pag-aartista dahil mahal na mahal ito sa kanya.

“Alam naman ng mga kababayan ko ang pinagmulan ko at tanggap nila iyon. Mahal ko ang showbusiness kaya nga I make it a point na gumawa ng at least isang teleserye sa isang taon,” paliwanag niya. (Archie Liao)