Abante Tonite Interactive

First time mag-best actor: Masaya ang Pepe ko – Martin

540

Maging si Martin del Rosario ay nagulat na siya ang nanalong best actor sa gabi ng parangal ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa One Esplanade.

Simple lang kasi ang gay role niya na si Daniel sa “The Panti Sisters” pero ang dami raw palang nakyutan at humanga sa performance niya.

First time na mag-best actor ni Martin, so parang nahilo raw siya at talagang nanginig siya dahil wala talaga siyang ine-expect at hindi rin siya nag-prepare ng speech

Parang naulit daw ang feeling niya noon nang manalo siyang best supporting actor sa Gawad Urian (para sa “Dagitab” nu’ng 2014) na dumilim ang paningin niya.

Sey ni Martin, lahat sila ay nag-shine sa “The Panti Sisters” at binigay raw nila lahat nina Paolo Ballesteros at Christian Bables, kaya sini-share niya ang award niya sa dalawang co-actors niya.

Wala raw tapon sa kanila dahil ginawa talaga nila ang best nila, so sana raw ay silang tatlo ang nanalo. Mas masaya raw ‘yon.

Bukod sa award niya ay sila rin nangunguna sa takilya. First time daw ni Martin na magkaroon ng pelikula na ganu’n ang reception ng mga tao.

Kaya overwhelming ang pakiramdam niya at sobrang saya raw niya ngayon. Sobrang proud din sa kanya ang mga mahal niya sa buhay.

Gagawa pa rin daw ng gay role si Martin after this. In fact, may sequel ang “Panti Sisters” kaya lang ay namatay ang karakter niyang si Daniel.

Of course, gusto pa rin niyang maging kasama sa part 2, na hindi raw natin alam baka prequel. Mas maganda raw kung gano’n dahil sure na kasama siya.

Ang cute ng tweet kahapon ni Paolo na kasama niya sa pic ang ‘sisters’ niyang sina Paolo at Christian.

Sey niya sa caption, “Tayong 3 ang panalo! Lahat tayo nag-shine sa sarili nating paraan. Congrats my Panti sisters! P.S. Masayang masaya ako, at alam kong mas masaya ang PEPE ko!” tapos ay may teddy bear emoji.

Pepe ang pangalan ng stuffed toy niyang bear sa movie at klik na klik ang Pepe ni Martin.

Ang bongga ng 26-anyos na Kapuso actor dahil kasama rin siya sa cast ng kasisimula lang na primetime serye ni Alden Richards.

Bale siya ang kontrabida ni Alden dito at excited daw si Martin na pahirapan ang buhay nito sa nasabing inspirational serye.

Paolo inunahan ni Madela sa pakintaban

Hagalpak ang audience sa funny moment ni Paolo Ballesteros nang mag-present ito ng special award sa PPP gabi ng parangal nu’ng Sunday.

Kasama ni Paolo sa stage si FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa pag-present ng PistApp Audience Choice Award, na pinili ng mga tao gamit ang app ng PPP.

Bago in-announce ni Paolo ang winner (napunta ang award sa “LSS: Last Song Syndrome”) ay humirit siya ng, “Nasaan si Jed Madela? Maglaban na kami ng kintab-kintab! Inunahan ako, eh!”

Laugh galore ang mga nasa One Esplanade. Nagulat daw si Pao dahil naunang lumabas sa stage si Jed para kumanta at nakita niyang may mga pakintab ito sa damit.

Feeling prepared pa naman daw siya sa outfit niyang black barong na may kintab-kintab, tapos ay nakita niya si Jed na kumikintab din.

Knowing Paolo ay may naughty undertone ang pagbanggit niyang ‘yon kay Jed. Ha! Ha! Ha!

Ang Audience Choice award ay nakuha siyempre ng topgrosser sa PPP 2019 na “The Panti Sisters”.

Ang saya nu’ng mag-akyatan sila sa stage. Sina Direk Jun Lana at Christian ang nagsalita sa mic para mag-thank you. tumatalon-talon pa ang mga ito sa tuwa.

Para kay Paolo, deserved ni Martin ang best actor award nito. Kahit sino raw sa kanila ay deserving, pero hindi raw talaga bumitaw si Martin sa karakter nito, na girl na girl pati boses nito.

Sey ni Pao, may showing pa ang “The Panti Sisters” sa US at Canada. Ready na raw sila para sa part 2 nito.