Abante Tonite Interactive

First wave ng coronavirus `di pa tapos – Ping

0 539

Hindi pa umano nakakalagpas ang Pilipinas sa first wave ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 kaya’t hindi dapat maging kampante ang publiko sa pagpunta sa mga mall at iba pang establisimiyento.

Ito ang panawagan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa gitna ng mga ulat nang pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine at general community quarantine.

“We haven’t gone past the first wave yet, so I’m not sure about a second wave,” pahayag ni Lacson sa kanyang text message sa mga reporter.

Dapat niyang ikonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kanilang desisyon na payagang magbukas ang mga mall at iba pang kahalintulad ng mga establisimiyento.

“I think the IATF should reconsider their decision on the opening of the malls and other similar establishments unless, strict physical distancing and other protocols are observed,” sabi ni Lacson.

Sinang-ayunan din ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pahayag ni Lacson at nangangamba itong maaring dumami pa ang mahahawa ng coronavirus kung hindi istriktong ipatutupad ang physical distancing at hindi pagsusuot ng face mask.

“I don’t think we’re done with the first wave. We haven’t tested much. The stats will speak for itself,” sabi ni Recto.

Dagdag pa ng senador na dapat patuloy na paalalahanan ang mga tao na lumalabas lang sa kanilang tahanan kung ito’y kinakailangan ang talaga at sumunod sa physical distancing ganundin sa pagsusuot ng face mask.

Maging si Senador Bong Go nagpahayag na bagama’t niluwagan na ang mga quarantine protocol, hindi pa rin masasabing tapos na ang laban kontra COVID-19.

“Huwag muna po tayo maging kampante dahil habang sinusubukan nating matigil ang first wave, mas nakakatakot kung magkaroon pa ng second wave ng pagkalat ng sakit na ito,” pahayag ng senador.

Binigyang-diin ito na kung hindi susunod sa patakaran ang publiko tiyak na tatagal pa ang COVID-19 crisis.

“Naiintindihan ko na ang ating mga kababayan ay gustong-gusto na makawala sa kanilang mga bahay. After around 60 days of community quarantine, gusto na nilang makalaya, makagalaw, makahinga at makita ang araw ng walang takot,” ani go.

“Kung mas rumami pa ang mga pasyente at tuluyang malampasan ang bilang ng mga pasyenteng na kayang alagaan ng ating mga health facilities, babagsak po ang ating healthcare system,” babala ni Go.

Binigyang-diin pa nito na wala pang bakuna o gamot kontra COVID-19 at hindi pa rin natin alam kung magkano ang kailangan kapag naging available na ito. (Dindo Matining)

kontribusyon para maiwasan ang second wave at tuluyang malampasan natin ang krisis na ito. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad