Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fish kill sa Buhi Lake: P2M lugi ng mangingisda

0 100

Umaabot sa 20 metriko toneladang tilapya na nagkakahalaga ng mahigit sa P2 milyon ang lumutang sa Buhi Lake sa lalawigan ng Camarines Sur nitong Lunes dahilan upang maapektuhan ang apat na barangay na nakapaligid sa lawa.

Ayon kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aaquatic Resources (BFAR) Bicol, kabilang sa apektao ang Brgy. Iraya; Ibayugan; Tambo at Cabatuan.

“Mostly affected po nito yung mga fishermen na may fish cage. Sa ngayon po patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon at assessment sa nangyari,” pahayag ni Enolva.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon naman kay Buhi Municipal Information Officer Mark Nazarrea, posibleng dahil sa bagyong ‘Quinta’ kung kaya lumutang na lang ang mga patay na tilapya na nagdala naman ng mabahong amoy sa palibot ng lawa.

Sa rapid assessment na isinagawa ng Lake Development Office (LDO) at ng BFAR Bicol, lumalabas na bumaba ang antas ng dissolved oxygen samantalang tumaas ang tubig sa surface temperature kaya’t nagkaroon ng fish kill.

Mabibigyan naman umano ng pinansyal na tulong ang mga apektadong mangingisda ayon sa lokal na pamahalaan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.