Abante Tonite Interactive

Fish pond ginamit sa shabu trade

By
405

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating preso ng New Bilibid Prison (NBP) na nagpapanggap bilang military colonel at ginagamit ang kanyang 5 ektaryang fish pond sa bentahan ng iligal na droga sa Taytayin, Hagonoy, Bulacan.

Kasamang inaresto ang suspek na si Antonio Lascano dela Cruz Sr. ng NBI-Task Force Anti-Illegal Drugs, kasama ang anak nitong si Antonio Lascano dela Cruz, Jr., 19-anyos; Gilbert Montemayor Bondoc, Ralph Cruz Paule at Jeric Mariano Lascano.

Sa imbestigasyon ng NBI, isinilbi ang search warrant laban sa matandang Lascano kahapon sa kanyang tahanan sa Hagonoy, Bulacan dakong alas-singko ng hapon kung saan isinasagawa ang illegal drugs trade ng suspek.

Nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang P400,000 halaga ng shabu, 13 firearms kasama na rito ang 12 gauge shotgun, browning cal. 9mm, at bersa mini thunder cal. 40 at mga bala.

Habang ang apat na suspek ay inaresto matapos maaktuhan na gumagamit ng shabu.

Ayon sa NBI, dati nang nakulong sa NBP si Lascano Sr. na lider ng Sigue Sigue Sputnik Gang. ­