Abante Tonite Interactive

Fish vendor nahulihan ng shabu sa checkpoint

372

Isang tindero ng isda na katatapos lamang magdeliber ng paninda ang inaresto ng mga pulisya makaraang aksidenteng mahulog sa kanyang sling bag ang dalawang pakete ng shabu habang hinuhugot ang quarantine pass sa isang checkpoint sa Brgy. Ulingao, San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Base sa report ng tanggapan ni San Rafael Police chief Lt. Col. Laurente Acquiot, nakilala ang suspek na si Ricardo Azonsa Jr y Salvador, 48-anyos at residente sa nasabing bayan.

Dakong alas-11:00 nang gabi nang makorner ang suspek na si Azonsa habang sakay ng kanyang motorsiklong may sidecar na pinaglalagyan ng banyerang may isda.

Pagdating sa checkpoint ng San Rafael Poluce sa Brgy. Ulingao ay pinahinto si Azonsa upang tingnan ang kanyang quarantine pass at doon nabuking ang dala nitong shabu.

Hindi na nakapalag ang suspek na agad inaresto matapos mahulihan ng dalawang pakete ng shabu.

Nakatakdang dalhin ang nakumpiskang droga sa Bulacan Provincial Crime Laboratory sa Malolos upang masuri habang isasailalim din sa drug test ang fish vendor.(Jun Borlongan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad