Abante Tonite Interactive

Fisheries department pinaalala kay Duterte

108

Nais ng isang alyansa ng mga negosyante na gawing prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas para sa pagtatatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR).

Sa kanilang pulong balitaan, iginiit ni Joseph Borromeo, presidente ng Philippine Alliance of Fisheries Producers Inc., na kabilang aniya sa mga pangako ni Pangulong Duterte noong 2016 presidential campaign ang mungkahi na itatag ang departamento para sa sektor ng mga mangingisda.

Sinabi ni Borromeo na may pangangailangan na lumikha ng isang DFAR dahil ang kasalukuyang istraktura ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay limitado at hindi nagbibigay ng tamang pansin at suporta sa sektor.

“Hindi siya priority bill, but we are calling on the President that he declare this is a priority bill,” ani Borromeo.

“Ang paglikha ng DFAR ay magbibigay-daan sa isang sentralisadong pagpapatupad ng mga patakaran sa pangisdaan at mas mahusay na koordinasyon sa publiko at pribadong mga stakeholder,” aniya.

Magugunita na noong Marso 2016, si Pangulong Duterte at ang kanyang running mate na si House Speaker Alan Peter Cayetano ay nangakong bubuuin ang isang departamento para matulu­ngan ang sektor ng mga maliliit na mangingisda. (Riz Dominguez)