Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fixer sa LTO nabuko

0 97

Arestado ang isang fixer sa Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City nitong Martes.

Kinilala ang fixer na si Randy Albor, na naningil umano ng P4,500 para sa mas mabilis na pagproseso ng renewal sa driver’s license. Ang hindi alam ni Albor, tauhan na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang kausap nito.

Dalawang oras lang umano ay na-release na ang lisensya dahil sa fixer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay ARTA director-general Jeremiah Belgica, oras na mapatunayang authentic ang driver’s license mula sa fixer ay papanagutin din ang mga kasama nito sa loob ng LTO.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 11032 o ang the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 Section 21. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.