Abante Tonite Interactive

Flag raising sa Manila City Hall gagawin sa Bonifacio Shrine

319

Sa ‘Kartilya’ sa tabi ng Bonifacio Shrine isasagawa ang regular na flag raising sa Lunes ng mga emple­yado ng Manila City Hall.

Sa ipinalabas na Memorandum ni City Secretary to the Mayor Bernadito Ang, pangungunahan umano ni Vice Mayor Honey Lacuna ang regular na flag raising.

Inatasan ni Ang ang lahat ng opisyal at empleyado ng Manila City Hall na magtungo sa lugar ganap na alas-7:30 nang umaga.

Inilipat ang lingguhang flag raising ceremony mula sa flag Pole ground ng MCH sa lugar matapos ang ginawang matinding flushing sa Bonifacio monument matapos na gawing malaking ‘kubeta’ ng mga informal settler at mga vendor ang lugar.

Gustong magbigay pugay ng MCH sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio at ipakita sa publiko na wala na ang mapanghi at amoy tae sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)