Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Flanigan, Filipinas binokya Singapore

0 75

Sa maagang pasiklab ni Isabella Victoria Flanigan, hinablot ng Philippine National Women’s Football Team ang pangalawang panalo, ginarote ang Singapore 7-0 sa Day 2 ng 12th Asean Football Federation Women’s Championship pool play sa Rizal Memorial Football Stadium sa Malate, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Sinimulan ng 17-anyos na Pinay ang pagbuhos ng goal para sa pangsiyam na minuto pa lang upang makontrol ng host squad ang labanan dahil sa kasunod na own goal ni team skipper Tahnai Aniss sa pang-10 sa pag-atake kay Singaporean Emie Sulastri.

Sinundan pa ang mga iyon sa pang-20 minuto ni Annis uli at Sarina Isabel Bolden sa 38th at 40th minutes. Sumama sa ratsada sina Sara Kristine Eggesvik (47) Kaya Hawkinson (56) at Anicka Chabel Castaneda (69).

Sinilat ng Pinay booters noong Lunes ang Australia 1-0 sa unang pasabog. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.