Abante Tonite Interactive

‘Flexitime’ sa mga kawani ng gobyerno sinulong ng CSC

192

Hinikayat ng Civil Service Commission ang mga ahensya ng gobyerno na bigyang konsiderasyon ang oras sa pagbibiyahe ng kanilang mga kawani at magpatupad ng ‘flexitime’ sa trabaho.

Ayon kay CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala, sa pagpapatupad ng ‘flexitime’ dapat isaalang-alang ang inilabas nilang mga panuntunan sa ilalim ng Memorandum Circular No. 25 noong Nobyembre 2019.

“Certain conditions must be in place to manage the expectations of the public. Flexitime is allowed but the agency must ensure that its services are available anytime within 8 a.m. to 5 p.m.,” pahayag ni Bala.

Pinapahintulutan ang mga kawani ng gobyerno na magkaroon ng ‘flexitime’ ngunit dapat tiyakin na nakapagtrabaho ito ng 40 oras sa loob ng limang araw at ang oras ng trabaho ay maaaring magsimula ng alas-siyete nang umaga hanggang alas-siyete nang gabi o alas-otso nang umaga hanggang alas-singko nang hapon.

Maaari rin na magkaroon ng pasok tuwing Sabado at Linggo basta lamang tiyakin na dalawang araw ang magiging day off.

Inirerekomenda ng CSC ang ‘fle­xitime’ para mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko. (Tina Mendoza)