Abante Tonite Interactive

Flink, Jordan puputok sa Pacific Town Army

213

Target nina imports Olena Lymareva-Flink ng Ukraine at Jenelle Jordan ng Estados Unidos na iangat ang Pacific Town Army laban sa lupaypay na BaliPure sa ratratan sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Confe-rence 2019 eliminations ngayong Miyerkoles ng alas-2 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Kapwa galing sa semplang ang nasa terserang Lady Troopers (3-3) at winless pa sa six games na Water Defenders, kabilang ang 4-set loss sa ka-rematch nitong Mayo 26 (25-20, 25-16, 24-26, 25-23).

Lugmok ang Pacific Town Army kontra Motolite, 23-25, 25-21, 25-17, 21-25, 13-15 nitong Linggo, kahit rumatrat ng 25 points si Lymareva-Flink, 11 martkers si Jordan at 19 si Royse Tubino.

Natuyot naman ang BaliPure laban sa league-leader at pasok na sa Final Four na PetroGazz (7-0), 19-25, 22-25, 18-25.

Magpapang-abot din sa alas-kuwatro nang hapon ang aasinta ng second semifinals berth at nasa segundang Creamline (5-1) kontyra sa lalapit doong nasa pang-apat na Motolite (2-4). (Janiel Abby Toralba)