Abante Tonite
Mabilis sa Balita

FlipTop rapper J King timbog sa droga

0 320

Arestado ang fliptop rapper na si Julius Cenon o mas kilala sa pangalang J King matapos makuhanan ng dalawang bulto ng marijuana Sabado ng hapon sa isang police checkpoint sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kasama ding naaresto ni Cenon, 27, ang kaibigan nito at angkas sa motorsiklong nakilala lamang sa alyas ‘Nhot”.

Ayon kay Cabanatuan City Police Station, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief Police Lt. Col. Barnard Dave Dasugo, pinara si Cenon at Nhot habang lulan ng motorsiklo sa nasbang lungsod.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na tumakas ang kasamahan ni Cenon patungong Maharlika Highway pero agad din itong nahuli.

Nakuha naman kay Cenon ang brown bag na may 2 nakabilot na dahon ng marijuana. Samantalang nahulihan ang kasama nito ng tooter pipe glass.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Cabanatuan City police station. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.