Abante Tonite Interactive

Flood control project scam mas bigtime sa Napoles pork

264

Naniniwala ang hanay ng minorya sa Kamara na mas malaki pa sa pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles ang kontrobersyal na flood control project scam.

“Petty cash ‘yung kay Napoles,” sabi ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez sa pulong-balitaan kahapon.

Ayon naman kay Senior Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, kung kay Napoles ay P10 bilyon ang pinag-uusapang halaga, daan-daang bilyong pisong halaga naman ang sangkot sa flood control scam.

“Talking about P10B (kay Napoles). We’re talking about hundreds of billions here (sa flood control scam). It will be a bigger source of corruption than Napoles,” ani Atienza.

Kitang-kita naman aniya ang galawan at kabalbalan sa mga ginagawang proyekto na pangontra sa baha.

Kataka-taka rin aniya na sa ilalim ng pamumuno ni Budget Secretary Benjamin Diokno ay sandamakmak ang mga flood control project.

“Ano ang priorities ni Secretary Diokno? Bakit bigla na lang all of sudden ngayon biglang namaga ang flood control pro­jects? Kapuna-puna ito maglalagay ng isang backhoe, ‘yung backhoe tatagal din ng isang taon kinakalawang na hindi gumagalaw. Magde-deliver ng mga apat, limang malalaking concrete pipes bubungkalin ang area hindi gagalaw,” sabi ni Atienza.

Samantala, sinabi ni Suarez na kapag hindi lumutang si Diokno sa pagdinig ng Kamara sa flood control project scam ay mag-iisyu sila ng subpoena laban sa Kalihim.

“He must…yes de­finitely…’pag hindi s’ya um-attend isub-subpoena namin s’ya,” ani Suarez. (Aries Cano)