Abante Tonite Interactive

Flop ang pelikula ni Kakai: ‘Hindi katapusan ng mundo

By
1,036

tonite-imo-vinia-vivarSiyempre, na-sad din si Kakai Bautista na hindi naging maganda ang box-office result ng Harry & Patty movie nila ni Ahron Villena na first starring role pa naman niya, simply because 30 theaters lang daw ang naibigay sa kanila.

“Ang daming gustong manood. May mga block screening kami, akalain mo. Kasi everybody would love to watch and nag-aabang sila ngayon. Ngayong may ng-DM (direct message) sa akin na ipalalabas daw ba after PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino). Hindi ko lang masagot. I don’t know,” pahayag ni Kakai nang makausap namin sa presscon ng bago niyang movie na Wander Bra with Mrtyle Sarrosa.

Bukod pa nga rito, kasabay pa nila sa sinehan ang BuyBust ni Anne Curtis.

Abante Hiring – IT dep

Pero, ani Kakai, sa dami ng pumupuri sa movie, masaya na rin daw siya and very thankful.

“Everyday, may review, ang gaganda. Hindi nila sinasabing pangit ang pelikula. They enjoyed it. They were entertained, they were happy. Pati ‘yung mga hindi ko kaibigan, nagdi-DM, nagsasabi na “alam mo, nakangiti kami pag­labas.” Hindi ako naniniwala na ang mga tao, ayaw panoorin. They want to watch it kaso lang, sobrang kulang ang sinehan namin at that time,” she said.

Ganu’n daw talaga, may mga bagay na hindi natin makokontrol.

“Hindi katapusan ng mundo, I have some other things to do kesa ma-stress about it and I’m very, very thankful.”
Sa pelikulang Wander Bra, ano ang expectation niya?

“Ako, feeling ko, sobrang fun lang talaga ‘to. And bahala na si Lord. Masaya na ako if ever na maging masaya ang mga tao kapag pinanood ‘to like Harry and Patty,” aniya.

Ang Wander Bra ay isang fantasy-comedy film mula sa direksyon ni Joven Tan under Blue Rock Entertainment.
Kuwento ito ng isang simple at ordinaryong babae na nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng kapangyarihan. Sa tuwing nagta-transform siya gamit ang “wander bra” ay naiiba ang hitsura niya na gagampanan naman ni Myrtle.

Showing na ang Wander­ Bra sa Sept. 12 at kasama rin dito sina Zeus Collins,­ Brian Gazmen, Gardo Versoza, Kiray Celis and Gina Pareño.