Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Floyd-Logan bout purnada

0 150

Bulilyaso!

Kanselado muna ang inaabangang bugbugan nina ex-pound for pound king Floyd Mayweather Jr kontra YouTuber Logan Paul.

Sa ulat, ‘COVID and other things’ ang naging rason ng pagkakaudlot ng upakan, ayon sa source ng TMZ Sports.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang ugnayan ng magkabilang panig sa posibleng re-schedule ng sabong.

Nakatakdang magsuntukan ang dalawa ngayong Pebrero 20 na mapapanood sa Fanmio pay-per-view ngunit pansamantala itong nabitin.

Matatandaang nitong Disyembre ay opisyal nilang inanunsyo sa publiko ang kanilang exhibition match. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.