Abante Tonite Interactive

Floyd, Manny inalaska ng mga netizen sa NBA Filipino Heritage Night

By
199

Nag-krus muli ng landas sa isang NBA game sina WBA welterweight king Manny Pacquiao at retired undefeated former champ Floyd Mayweather, Jr. kahapon sa bakbakang Charlotte Hornets at LA Clippers.

Sunod na kaya ang rematch ng dalawa kasunod ng panalo ni Mayweather sa laban nila taong 2015?
Ang mga netizen, sari sari ang reaksiyon sa pagtatagpong muli ng dalawa sa NBA game.

Pang-asar kay Floyd ang reaksiyon ni FB user Marvin Espante at sinabing, “masakit na ang tuhod ni manung weather kaya hindi na nakatayo sa biso2x nila, proud for Manny ur the man.”

Si FB user Enzo Flores, patawa ang banat at sinabing maglalaro na si Pacman sa Clippers. “Manny Pacquiao has agreed to a 4-year $154M deal with the LA Clippers.”

Umaasa naman si FB user Marlon Cruz Santiagodo na matutuloy ang rematch ng dalawa. “Pacquiao/Mayweather 2 the last ride.”

Walang pahayag ang dalawa kung magkakaroon sila ng rematch pero nakatakdang lumaban si Pacquiao kontra Adrien Broner para depensahan ang kanyang titulo sa Enero 19 sa MGM Grand sa Las Vegas. ()