Abante Tonite Interactive

Floyd nagpahiwatig sa rematch kay Pacquiao

603

Ginigiit ni five-division world pro boxing­ champion Floyd Joy Mayweather, Jr. na wala na siyang dapat pang patunayan.

Pero nakahanda naman aniya siyang bumalik mula sa retirement – at harapin ang mabigat at malaking laban sa boksing pa rin.

Bottom of Form
Tinukso ng 42-year-old American, ang boxing fans sa pahayag na may inaanunsyo siya sa Miyerkoles ng hapon (Huwebes sa ‘Pinas).

Dinemolis niya si Conor McGregor ng Ireland at opisyal na nag-quit sa ruwedang parisukat may dalawang taon na ang nakalilipas.

Pero nagpaparamdam si ‘The Money’ sapul pa noong 2017, na natutukso aniya siyang muling umakyat sa ruwedang parisukat sa kabila na wala na siyang maaring patunayan pa.

Ngayo’y nananabik ang kanyang mga tagasunod sa pinost na may importante siyang sasa­bihin.

Sa video sa Instagram niya kanyang pinabatid ang ang mapanukso niyang press conference.

“Thank you to the media and my business partners, I have an announcement to make,” buladas niya.

Agad niyang hinirit ang panapos: “Announcement Wednesday”.