Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Floyd nakamit ang hustisya

0 317

Lumabas na rin sa wakas ang hatol sa kaso ni George Floyd na walang kalaban-labang pinatay noong Mayo 25 ng nakaraang taon.

Pinatawan ng guilty verdict ang police officer na kumitil sa buhay ni Floyd.

Napatunayang nagkasala si Derek Chauvin sa one count ng second degree manslaughter, one count ng second degree murder at one count ng third degree murder.

Ikinatuwa naman ng NBA ang hatol kay Chauvin. Kumilos ang liga para mamulat ang lahat sa nangyayaring racial injustice sa Amerika. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.