Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fly high mga angel!

0 264

Sabi nila, ‘Constant practice makes you perfect!’ Pero para sa akin, dagdagan natin ng salitang ‘correct’ ang ‘constant’ para sure win! ‘Yan ang ginagawa ng Petro Gazz Angels bilang paghahanda sa Open Conference ng Premier Volleyball League (PVL) ngayong taon.

Wala pang eksaktong petsa pero base sa latest reports, ngayong darating na Mayo na inaasahang sisimulan ang nasabing volleyball tournament. Ngayong Abril sana ito muling bubuksan pero humiling ng dagdag na panahon ang mga koponan para magsanay.

Dalawang conference ang target ng pamunuan ng PVL para sa taong ito. Isang bubble setup game ngayong Mayo na gaganapin sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna at isa pa bago matapos ang 2021. Matatandaang may tatlong conference ang PVL kada taon.

Dahil sa Covid-19 pandemic, may isang taon ding nahinto ang laro sa PVL. Kaya naman sabik na sabik na ang mga player na muling bumalik sa volleyball court. Ang mga manlalaro ng Petro Gazz, ayaw paawat sa kanilang paghahanda.

Hindi hadlang ang pandemya para mahinto ang kanilang daily grind. Kuwento ng isa sa mga pambato ng Petro Gazz Angels na si Jerrili Malabanan, via Zoom ang kanilang team workouts at small group trainings. Kung minsan, pinapanuod din daw niya ang mga laro nila noong nakaraang season para makita kung ano at saan pa ang kailangan niyang i-improve.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ang Gazz Angel namang si Myla Pablo, disiplinado sa kanyang diet at lifestyle. Hangga’t maaari, off limits daw muna siya sa fatty foods. Sakto rin naman dahil Kuwaresma ngayon, maraming deboto ang nag-aayuno. Sabi ni Myla, ‘At home, I do some stretching exercises before going to bed and when I wake up every morning. I also eat health foods and monitor my weight.’

Isa pa sa inaabangang player ng Petro Gazz si Ces Molina na may pitong taon ding naglaro para sa Petron. Lumipat siya sa Gazz nitong Enero matapos mag-leave sa Philippine Superliga ang kinaaaniban niyang koponan noong Petron Blaze Spikers dahil sa pandemya.

Para kay Ces, hindi lang siya nagpapalakas physically, kundi pati na rin mentally. Dagdag niya, ‘I’m doing some imagery and knowing my strengths and weaknesses, and be able to improve both things’.

Target ng Angels na maiuwi ang kampeonato kaya naman todo ang kanilang pagsasanay kahit pa ngayong may pandemya. Ang kani-kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay ang inspirasyon ng Angels. Malaki raw ang naitutulong nito sa kanilang pag-eensayo.

Ang sa akin lang, ibayong pag-iingat pa rin sa paglalaro. Sundin ang umiiral na health protocols. Laging tandaan na hindi pa tapos ang laban sa Covid-19. Sa takbo ng datos mula sa Department of Health, parang lalo pang dumarami ang kaso ng coronavirus disease infections sa pagdaan ng mga araw. Kaya mahalagang ingatan ang sarili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.