Abante Tonite Interactive

Flying V billboard bumagsak, negosyante patay

By
3,387

Isang babaeng negosyante ang kasamaang-palad na nasawi matapos mabagsakan ng billboard sa isang gasoline station ng kompanyang Flying V sa Barangay del Pilar, Tagudin, Ilocos Sur noong Linggo.

Kinilala ng mga awtoridad sa nasabing bayan ang biktima na si Magdalena Osita, isang negosyante mula sa Poblacion, Flora, Apayao.

Batay sa inisyal na report ng Tagudin Police Station, isang la­laki na nagngangalang Allan Cardenas ang nakasaksi sa buong pangyayari.

Isinalaysay ng saksi na dahil sa lakas ng hangin ay nahulog ang billboard ng gasoline station ng Flying V na matatagpuan sa Barangay del Pilar.

Pagkahulog ng billboard ay bumagsak ito sa biktima na nakasakay noon sa isang Elf truck.

Itinakbo pa sa Ilocos Sur District Hospital ang babae para malapatan ng lunas pero hindi na rin umano ito umabot ng buhay.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang nasabing kompanya kaugnay sa nangyaring insidente.